Welcome sa mundo kung saan ang imahinasyon mo ang nauuna! ✨ Gumawa ng mga kuwento sa makukulay na lugar, at i-customize ang sarili mong building - puwede ka ring gumawa ng sarili mong outfit!
Ang Toca Boca World ay tungkol sa open-ended na paglalaro. Walang rules, puro masasayang paraan lang para maging malikhain. Buuin ang iyong mundo, at punuin ito ng characters, pet, shops, at iba’t ibang uri ng bahay!
Halos lahat ng nasa Toca Boca World ay puwedeng i-customize, o maglaro ka na lang! Subukang mag-manage ng café, maging hairstylist, mag-camping sa kagubatan, o mag-rooftop party. Isa itong ligtas na mundo kung saan ang mga bata ay maaaring mag-explore at matuklasan ang kanilang sariling espasyo.
BUUIN ANG SARILI MONG MUNDO
🏬 Mag-explore ng mga apartment, shop at tambayan sa Bop City 👭 Gumawa ng sarili mong mga karakter na may kakaibang buhok, mukha, outfit, at mga accessories 🏡 Magdekorasyon ng mga lugar gamit ang Home Designer. Palitan ang mga pader, kagamitan, at mga kulay 🐶 Magdagdag ng pets, pagkain, laruan, at nakakatuwang mga bagay para maging tunay na iyo ang bawat lugar
MAGLARO SA SARILI MONG PARAAN
🤘 Gumawa ng sarili mong mga kuwento. Maging chef, may-ari ng spa, rockstar, o guro 🏭 Pagsamahin at ihalo ang iba’t ibang lugar para makagawa ng sarili mong mini games at challenges 🚌 Ilipat ang mga karakter sa pagitan ng mga bahay, paaralan, shops, at mga sikretong lugar 🏥 Subukan ang roleplay tulad ng pag-manage ng pet hospital, pagbubukas ng fashion studio, o pagho-host ng sleepover
MAG-EXPLORE, TUMUKLAS AT MANGOLEKTA
💎 Maghanap ng mga nakatagong gem, secret room, at mga sorpresa sa iba’t ibang lugar 🎁 Bumisita sa Post Office tuwing Biyernes para sa libreng mga regalo tulad ng kagamitan, outfit, dekorasyon, at pets 🌎 Palawakin ang iyong mundo habang nadaragdagan ng mga bagong pack at lokasyon sa in-app shop
GINAWA PARA SA MGA BATA, MADALING LARUIN
👍 Ang simpleng touch-first controls ay madaling gamitin para sa lahat, anuman ang kanilang kakayahan sa pagbabasa 🎨 Walang time limit o mataas na score. Puro malikhaing paglalaro lang 🌊 Ang open-ended na disenyo ay hinahayaan ang mga bata na sundan ang sarili nilang kuryosidad
LIGTAS, SINGLE-PLAYER AT WALANG ADS
😊 Ang Toca Boca World ay isang single-player na larong pambata, walang chat at walang strangers 🤝 Sumusunod sa COPPA at maingat na dinisenyo bilang isang ligtas na lugar para sa mga bata ❌ Walang third-party ads. Hindi naaantala ang paglalaro ng mga patalastas o pop-ups
AWARD-WINNING FUN MULA SA TOCA BOCA
Ang aming laro ay kinilala bilang App of the Year at Editor’s Choice dahil sa masaya nitong disenyo at dedikasyon sa kaligtasan ng mga bata. Ang aming award-winning na larong pambata ay maaaring i-download sa mga telepono, tablet, at computer, na may optional na in-app purchases para sa mga pamilyang nais palawakin ang kanilang mundo. Naniniwala kami sa kapangyarihan ng paglalaro. Kaya naman ang Toca Boca World ay ginawa bilang isang de-kalidad at walang ads na laro kung saan malayang makakapag-explore, makakalikha, at makakagamit ng imahinasyon ang mga bata.
MANATILING KONEKTADO
Tuklasin ang mga bagong lokasyon, event, at collaborations sa pamamagitan ng pag-follow sa Toca Boca World sa social media at sa loob ng in-app shop. Palaging may bagong kuwentong naghihintay.
Nagsisimula ang kaligtasan sa pag-unawa kung paano kinokolekta at ibinabahagi ng mga developer ang iyong data. Posibleng mag-iba ang mga kagawian sa privacy at seguridad ng data batay sa iyong paggamit, rehiyon, at edad. Ang developer ang nagbigay ng impormasyong ito at posibleng i-update niya ito sa paglipas ng panahon.
Walang data na ibinabahagi sa mga third party
Matuto pa tungkol sa kung paano inihahayag ng mga developer ang pagbabahagi
Posibleng kolektahin ng app na ito ang mga ganitong uri ng data
Lokasyon, Personal na impormasyon at 4 pa
Ine-encrypt ang data habang inililipat
Hindi puwedeng i-delete ang data
Nangakong sumunod sa Patakaran para sa Mga Pamilya ng Play
Tingnan ang mga detalye
Mga rating at review
phone_androidTelepono
laptopChromebook
tablet_androidTablet
4.3
5.25M review
5
4
3
2
1
Corazon josol
I-flag na hindi naaangkop
Mayo 31, 2026
maganda laro
Naging kapaki-pakinabang ang review na ito sa 4 na tao
Toca Boca
Mayo 31, 2026
Hi Corazon josol 👋 Maraming salamat sa iyong pagsusuri! 😍✨Toca Boca✨
Raulito Calizo
I-flag na hindi naaangkop
Abril 21, 2026
good
Naging kapaki-pakinabang ang review na ito sa 8 tao
Toca Boca
Abril 21, 2026
Hi Raulito Calizo 👋 Thanks so much for your review! 😍✨Toca Boca✨
maryjane villa
I-flag na hindi naaangkop
Abril 1, 2026
my favorite game give me pusheen! give all!^^
Naging kapaki-pakinabang ang review na ito sa 9 na tao
Toca Boca
Abril 1, 2026
Hi maryjane villa 👋 Thanks so much for your review! 😍✨Toca Boca✨
Ano'ng bago
Lumipat sa Country Manor at mamuhay nang bongga na may napakagandang hardin! I-decorate gamit ang mga furniture sa loob, o subukan ang mga bagong item na available para sa lahat! At sa tingin namin kakailanganin mo ng soundtrack para diyan, TWICE kaya?